Paalam, Mahal ko (Tagalog Spoken Word Poetry)



“Pinapalaya na Kita”
--Reuben Wiarts

Hello Mahal, kumusta kana? Sana okay ka lang.
Alam mo ba, miss na miss na kita.
Miss na miss ko na yung yakap mo.
Miss na miss ko na yung mga halik mo.
Miss na miss ko na yung nilalambing mo
ako kapag nagtatampo ako sayo.
Kung alam mo lang, palaging ikaw
ang tumatakbo sa isipan ko.
Sa bawat paggising ko sa umaga ay ikaw,
Ikaw ang aking nakikita.
Ikaw ang aking naalala.
Sa bawat pagsapit ng gabi, hindi ako makatulog
Dahil naalala ko ang nakaraan natin.
Lalo na yung mga masasayang alaala na pinagsaluhan natin.
Yung masasayang alaala mula pa nung bata pa tayo
Naaalala mo pa ba yung naghahabulan tayo sa may gilid ng batis.
at yung naglalaro tayo ng bahay-bahayan.
 Kunwari ay ikaw daw ang ilaw ng tahanan
at kunwari ay ako naman ang haligi ng tahanan.
At si browny, ung aso mo, kunwari siya naman yung anak natin.
 Nakakamiss no. Parang kailan lang. Parang kahapon lang.

Ang dami nating pangarap sa isa’t isa.
Yung panagarap nating makabuo ng sarili nating pamilya.
Yung dati nating nilalarong bahay-bahayan.
Pangarap natin pareho yun diba,
yung magkaroon tayo ng sarili nating bahay.
Kasama ang mga magiging 3 anak natin.
Sampo sana kaso sabi hindi mo kaya.
Pero, mahal, ba’t mo ako iniwan.
Yung pangarap natin na maikasal
Yung pangarap nating mahalikan natin
ang isa’t isa sa harap ng altar.
Hindi na natuloy kasi, kasi iniwan mo na ako.

Pasensiya na ha kong ngayon lang ako dumalaw.
Tatlong taon na din pala yung nakalipas no.
Tatlong taon…
Tatlong taon akong nagdusa sa sakit
Tatlong taon,  mulang ng…  mula ng iwan mo ako.
Hindi ko matanggap
Hindi ko matanggap sa sarili ko na sa haba ng pinagsamahan natin.
Sa dami ng mga alaala na pareho natin nilikha
Sa mga pangarap natin na sabay nating aabutin
Ay hanggang dun lang pala tayo
Hanggang dun lang pala magtatapos ang kwento natin.
Ang kwento na ating pag-iibigan.
Marami pa sana tayong mga alaala na pagsasaluhan
Marami pa sana kaso, iniwan mo ako.

Pero mahal, 
Gusto ko lang sanang sabihin na okay na ako
Tanggap ko na ang lahat
Kaya’t narito ako ngayon,
Nakaupo sa harap ng puntod mo.
Hindi ko man maiintindihan sa ngayon
kung bakit ka kinuha ng Diyos sa akin
Pero alam kong darating di ang araw na mahahanap ko ang sagot.
Darating din yung araw na maiitindihan ko ang lahat.
Kaya't mahal, handa na ako.
Handa na akong palayain ka
Handa akong palayain ka sa puso ko
At handa na akong palayain ang sarili ko sa kahapon natin
Sa mga alaala ng ating nakaraan.
Pinapalaya na kita.
Mahal na mahal na mahal kita at maraming salamat
Dahil naging parte ka ng buhay ko.
Paalam, paalam aking mahal…….





Comments

Popular posts from this blog

28-Year-Old Mother in the Philippines Burnt Herself and her 3 Children Due to Postpartum Depression

The Broken Puzzles